Thursday, January 8, 2009

Boy Kahoy... ... ...

I sat down down at our living area while feeding my son (Gio) last night...sakto naman na open ang tv namin sa GMA at pinapalabas nga itong 'boy kahoy" sa i-witness.

Napaiyak talaga ako while watching it, then pinilit kong ipa-ubos sa anak ko iyong pastang kinakain nya, para maiwasan ko ang tuluyang umiyak... Di ko lang lubusang maisip iyong hirap at sakit na nararanasan ng mga batang ito sa mura nilang edad...samantalang sa kabilang parte ng mundo (dito sa Dubai) kumakain tayo ng masarap... Para tuloy gusto kong abutin ang kamay ng bata at magbigay ng pagkain...Grabe, habang pinapanood ko ang batang ito na kumakain ng manok (d na nya matandaan if when was the last time he ate chicken) awang-awa talaga ako, tapos wala pa syang tsinelas...ang sakit isipin.

Sobra na ang kahirapan sa atin... marami na akong taong nabigyan ng trabaho dito sa Dubai..iyong iba niyakap at minahal ang mga hanap buhay nila (sana - ipamahagi din nyo ang mga blessing na mayroon kayo) ...iyong iba naman nagmalaki at umuwi sa Pilipinas dahil mahirap daw ang trabaho dito (may trabaho bang madali?) sila iyong mga taong makakabawas na sana sa kahirapan ng bansa pero mas pinili nilang maging "puwing na lamang sa lipunan."

Dalangin ko lang sa Poong Maykapal na ipagpatuloy pa nya ang pag bless sa buhay namin - para maipagpatuloy pa namin ang pagtulong sa mga nangangailangan... sana madagdagan pa ang mga "scholars" namin!

I will not make it long...alam ko naintindihan nyo ako kaya, let us continue to pray for each other... lalo na ngayong panahon ng crisis...

Episode on January 5, 2009
Monday late night after Saksi


They scour the streets daily, riding their “pedicab" to find scraps of wood they could still sell. They endure the heat of the sun and carry the weight of the collected wood just to earn enough money to bring home to their families.

Sandra Aguinaldo follows the lives of these child wood collectors and tries collecting scraps of wood in her first I-Witness documentary for 2009.

13-year old Benjie has been collecting wood scraps for five years. Benjie doesn’t mind the heavy workload, because finding these pieces of wood gives him the money to provide for his mother and four siblings. He says his body has become accustomed to the daily grind of waking up early and combing the streets of Manila for morsels of lumber.

For siblings Jessie and Jordan, finding and selling wood is their only means for survival. The two minors are homeless and depend only on their earnings to pay for their growing debt in the carinderia where they buy their food daily.

The difficult yet hopeful lives of these kids unfold this Monday in Sandra Aguinaldo’s I-Witness, airing this January 3, Monday midnight, after the late night newscast Saksi.




Gamit ang kanilang mga pedicab, kung saan-saan sila sumusuot at umaabot. Tinitiis ang hirap ng pagpapadyak at ang pagod sa pagkayod. Ang tangi nilang hanap- mga pira-pirasong kahoy na maari pang ibenta.

Para sa mga batang ang turing sa mga patapong kahoy ay kayamanan, tila walang darating na pagbabago sa kanilang buhay… Pasko man o Bagong Taon pa. SA unang dokumentaryo ng I-Witness para sa taong 2009, susundan ni Sandra Aguinaldo ang buhay ng mga “Boy Kahoy."
Ang magkapatid na sina Jessie at Jordan na parehong menor de edad, kailangang mangahoy para makakain at makapagbayad ng utang dahil ‘di na sinusuportahan ng mga magulang. Araw-araw, umaabot ng isandaang piso ang utang nila sa karinderyang pinagbibilhan nila ng pagkain.

Sanay na raw ang mga murang katawan nila sa ganitong trabaho, kaya ang 13 taong gulang na si Benjie, araw-araw na nangangahoy. Limang taon na itong ginagawa ni Benjie para may maipanlaman sa kumakalam na tiyan ng kanyang buong pamilya. Sa kawalan ng pag-asang makaahon sa hirap, simple na lang ang kanyang hiling at pangarap - ang makabili ng bagong tsinelas at maging isang basurero paglaki niya.

Sundan ang kuwento ng buhay ng mga batang magkakahoy kasama si Sandra Aguinaldo sa I-Witness ngayong Enero 5, Lunes ng hatinggabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

http://www.gmanews.tv/story/142549/Boy-Kahoy

No comments: